CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


7 signs of fake love

Go down

Admin Post 7 signs of fake love

Post by glemxer on Sat Jul 28, 2012 1:53 am

The Axe-Effect
Sikat ang mga commercials ng AXE cologne sa
buong mundo. Ang mensahe nito: Mababaliw
at mahuhumaling ang mga babae sa mga lalaking gumagamit nito. Dahil sa bango ng AXE,
nawawala sa sarili nilang bait ang mga babae at
susundan kahit sa kailaliman ng dagat ang Adonis
na gumamit ng mala-gayumang pabango. Pagdating sa pag-ibig, kalimitang nakatuon sa pisikal
ang mga nakararamdam ng infatuation. Hindi
lang sa amoy, kundi higit sa nakikita. Infatuation
focuses on the physical traits. Nagustuhan dahil
sa dimples, maputing balat, kasingkitan ng mata
(lalo na sa mga nahuhumaling sa mga Korean
boy bands), mapuputing ngipin o kaya ay dahil
mala-Mark Herras sumayaw.
Nagugustuhan ng mga infatuated ang isang
tao dahil sa kanyang piling mga katangian. Pero
dahil walang taong perpekto, makakakita sila ng
ikadidismaya. Kabilang sila sa UY . . . AY Group.
Sa mga boys: “UY ang ganda niya . . . AY may
body odor pala!” Sa mga girls: “UY ang cute niya
. . . AY bad breath pala.” Matapos makita ang
kahinaan at masamang katangian ng nagugustuhan, nawawala ang paghangang nararamdaman

The Kisap-Mata Complex
Infatuation starts and ends fast. Bakit? Kasi
nagbabago ang nararamdaman ng mga infatuated ayon sa kondisyon ng emosyon nila. Sa
simula, napakatindi ng spark ng pag-ibig.
Laging may stars sa mata. Tatawirin ang isanlibong kabundukan, mapasaya lang ang minamahal.
Magtatalunan ang mga hormones sa katawan at
kayang ipagsigawan sa buong mundo na mahal
na mahal niya ang kanyang partner. Pero matapos ang ilang araw o linggo, lubos na nakilala
ang iniirog. Sasabihin sa sarili: “Hindi na siya ang
dating nagustuhan ko. Nagbago na siya.” Ang
resulta: Ayawan na! Ayawan na! Ayawan na! Parang isang batang nakikipaglaro at kapag naasar
dahil siya lagi ang taya, iiwan ang mga kalaro at
uuwi ng bahay. Ang mga infatuated, kapag hindi
na nagi-enjoy, unti-unting mawawala ang interes
sa relasyon.

The Crazy-for-You Syndrome
Infatuation can make a person disorganized, distracted and ineffective. Sabog ang isip mo. Kapag
infatuated ka kasi, halos lahat ng tingnan mo,
feeling mo naroon siya. Tumingin ka sa langit,
mukha niya ang makikita mo sa ulap. Kumain ka
sa canteen, ngiti niya ang nakikita mo sa pinggan
mo. Hanggang sa kalye, mukha niya ang naaaninag mo sa billboards at posters.
In short, hibang na hibang ka.
Hindi mo na iniintindi ang mga
nasa paligid. Ang mahalaga sa iyo
ay lagi kang masaya

Just-The-Two-of-Us Feeling
Infatuated people often isolate themselves from
others. Umiikot ang buhay ng magkasintahan
sa kanilang dalawa lamang. Walang makapaghihiwalay sa kanila. Kahit saan magpunta, laging
magkasama at HHWWPSSP (Holding Hands
While Walking Pa-Sway-Sway Pa)—sa school, sa
mall, sa park, sa pagbili sa tindahan, kahit minsan sa pagpunta sa CR. They tend to lose interest
in things that used to motivate them. Binitiwan
na kasi nila ang dating pinagkakaabalahan at
nakatuon na lamang sa karelasyon. Hindi na
napapansin at nabibigyan ng sapat na atensyon
ang mga ibang mahal sa buhay. Kung dati-rati’ylaging present sa mga family affairs, ngayon kailangan pang itanong sa BF/GF kung pwede siyang sumama. Dahil meron nang beloved, hindi
na rin madalas sumasama sa activities ng dating
mga kabarkada.

The-Need-You-Here Sickness
Kung peke ang pag-ibig, madali itong mawala
kapag magkalayo ang mag-partner. Mababaw
ang pundasyon ng relasyon dahil nakatuon sa
pisikal na aspeto. Kapag hindi na nakikita, nahahawakan o nakakausap ang partner, unti-unting
manlalamig ang damdamin hanggang sa mawalan na ng interes. Pero ang tunay na pagmamahal
ay hindi kayang patayin ng distansya. Kahit ilang
taon pa kayong hindi nagkita, kung talagang tunay ang inyong nararamdaman, gagawin ninyo
ang lahat para mapanatili ang pagtingin ninyo sa
isa’t isa.

Kung-Ayaw-Mo, Huwag-Mo” Problem
Madaling nasisira ang relasyon ng mga infatuated sa mga simpleng away at tampuhan. Dahil
laging may LQ (Lover’s Quarrel), unti-unting
natutuyo ang damdamin. Nag-aaway dahil hindi
magkasundo sa maliliit na bagay (e.g. hindi
tinext, hindi nagustuhan ang gupit ng isa o nakalimutang magsabi ng “I Love You”). Ang mga
hindi pagkakaunawaan ay dahil sa pagiging selfcentered. Sa isip ng bawat isa: Ako muna bago
ikaw! Hindi rin maiwasan na makapagbitiw ng
masasakit na salita. Pagkatapos ng away, parang
mga batang magbabati. Pero sa halip na mapatibay ang relasyon, unti-unting nanlalamig ang
damdamin sa bawat isa. Ang laging pag-aaway
ay tanda ng lumalaking lamat sa relasyon. Kung
gusto nang makipag-break ng isa sa kanila, no
big deal.

Akin-Ka-Lang Attitude
May pagka-possessive ang mga infatuated. Ayaw
na ayaw na mawala sa paningin nila ang kanilang
partner. Jealousy becomes part of the relationship. Natatakot kasi na mabaling ang atensyon
ng partner sa iba. Parang sinasabi sa ka-partner:
“Gusto kong lumigaya ka, pero huwag ka nang
titingin sa iba. Kailangan ako lang sa buhay mo.”
Hindi lang tao ang pinagseselosan. Kahit ang
mga bagay o gawain na umaagaw ng atensyon ng
partner, pinagdidiskitahan din.
avatar
glemxer
First Private
First Private

Posts : 9
Credits : 25
Fame : 4
Join date : 2012-06-29
Age : 23

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum