CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


Sampung Dapat gawin kapag kakabreak nyo lang(full)

Go down

Admin Post Sampung Dapat gawin kapag kakabreak nyo lang(full)

Post by princeterror on Sun Oct 28, 2012 6:30 am

baka makatulong hahaha!!! kaka-break nyo pa lang ng boy-girl friend mo? Windang na windang ang utak mo. Hindi mo maarok ang emotions mo. Anong pwede mong Gawin, kamo? Sige, tutulungan kita.
Hetong sampung pwede mong gawin habang tuma- tambling ang puso mo.

1. Delete mo sya as friend sa
Friendster, Facebook, Plurk at Twitter accounts mo. Sabi nga, if you have to cut, then you have to cut cleanly.
Delete mo na agad! Pati mga pictures nyo together, delete na agad! Saka mo na lang i- search uli para maka-view ka
sa profile nya.

2. Palitan mo agad ang status mo from MARRIED o IN A RELATIONSHIP o IT ’S COMPLICATED to SINGLE. Dapat ipakita mo sa ex mo move on na move on ka na. Check mo agad kung pinalitan
rin nya ang status nya. im sure ngingiti ka kung hindi pa napalitan. Wag kang
hibang, busy lang yun at papalitan din yan! Unahan mo na agad.

3. Magparamdam ka sa mga dati mong naging syota. Friendly ek-ek lang naman. Pero wag na wag mong
babanggitin na break na kayo ng present mong syota. Well, unless tanungin nila. Wag kang umasang babalikan ka ng mga yan! Ano sila, social welfare?

4. Magpakitang-tao ka! Show to the world na carry mo ang pagiging single uli. Ano ka, affected? Esmyuski lang.
Rampa ka to the max. Go ka sa mga gimik left and right. Saka ka na lang umiyak-iyak pagkauwi mo at pag nasa loob ka na ng kwarto mo. Don ’t forget the tissue.

5. Palitan mo na ang pictures ng ex mo sa naka-display na picture frames. Start with a clean slate. Kung di mo
kayang punitin, sige, itago mo muna. Pag nalulungkot ka, utang na loob, wag mo nang titingnan ang mga pictures nyo together. Palitan mo na
ng pictures nina Ninoy at Cory Aquino. At least hindi ka talaga nag-iisa nyan.

6. Lahat ng bagay na nagpapaalala sayo about your ex, itapon mo na. Wag
mo nang basahin ang mga love notes nya. Yun mga naka- preserve na roses,
itapon na agad! Kung di mo pa kayang itapon, get ka ng box at dun mo muna ilagay. Pag carry mo nang sunugin, go
sunog them agad. Now na!

7. Buy something for yourself. Buy something expensive. Take note, dahil sa ex mong yan, andaming naunsyaming things-to-buy ang buhay
mo. Now is the time. Keber nang mahal basta para sa sarili mo dapat at wag mo na syang bilhan ng para sa kanya,
gaga!

8. Magpaganda ka uli. or
magpapogi,Kung mataba ka,
magpapayat. Kung di ka maganda, subukang mong magdasal. Baka maawa si Lord at milagruhan ka.
Seriously, dapat wag kang depres- depresan dyan. Go ka agad at magpa-facial. May extra funds ka na kasi wala
ka nang syota so afford mo na yan.

9. Magbakasyon ka. Pero please lang wag kang pumunta sa mga lugar na
pinuntahan nyo ng ex mo. Iwasan ang mga lugar na pwede kang tumalon at
magpasagasa. Wag kang over-acting dyan. Get a real vacation. kasama mo ang pamilya mo.or mga kaibigan!

10. And lastly, putulin na lahat ng koneksyon mo sakanya. Susme, baka naman within a week e tawagan, itext o kamustahin mo sya. patay kang bata ka. Erase mo ang lahat ng numero nya.
Pati ang numero ng nanay, tatay, kuya, ate at yaya nya, delete agad! Wag
papansinin ang mga anonymous pa-tweetums na messages. Malamang sya
yan at gustong makipagbalikan.
GUMISING KA NA, HOY! Ayan, sampu lang yan. Don ’t tell me na hindi mo kayang gawin ang mga yan. Mind over matter lang. Kering-keri mo
yan. In the meantime, magpasalamat
ka at makakatipid ka na uli. It ’s great to be single. Magpakasaya ka naman!
avatar
princeterror
Universal Moderator
Universal Moderator

Posts : 272
Credits : 11465
Fame : 81
Join date : 2012-06-07
Age : 27

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum