CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


Posporo

Go down

Admin Post Posporo

Post by princeterror on Fri Nov 02, 2012 5:45 am

Kung ang tula'y palito ng posporo
Ano kayang magiging kapareho?
Ibig kong ito'y sindihan sa alab ng
magdamag
Yayat na katawan ay magliliyab
Munti mang tinghoy nagdudulot ng liwanag
Na sa mga mata't diwa'y bibihag
Ano't kumislap sa aking pahayag! Ngunit kung ang tula'y magsilbing
pamuksa't
Gamitin lang sa pamamarangya
ng dalahirang dila
Ibig kong ito'y putulin bigla
O kaya'y basain upang 'di na mag- apoy
At makatupok ng marurupok na
kahoy
'Pagkat kaluluwa'y madaliang
madarang
Madikit lang malulusaw nang tuluyan. Huwag, huwag akong alukin ng
sigarilyo
'Pagkat 'di ko 'yan ibig na gawing
bisyo
Tulad ng mga makatang umusuok
ang bpkabularyo Iniihaw na sa gitna ng purgaturyo,
Ano't natutuwang masdan pa ang
abo
Sasama ka ba sa paglipad ng alipato?
Bilang kabahagi ng bawat piraso
O, sino yaong tunay na magulo Ako ba, kayo o ang posporo?
avatar
princeterror
Universal Moderator
Universal Moderator

Posts : 272
Credits : 11465
Fame : 81
Join date : 2012-06-07
Age : 27

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum