CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


Kawawang kabataan

Go down

Admin Post Kawawang kabataan

Post by lilstupida on Fri Nov 02, 2012 5:53 am

Kawawang mga kabataan, bakit ganyan?
Buhay sa kalye ay walang hangganan
Saan na kaya ang iyong mga magulang
Na siyang sanhi sa ganyang kalagayan?

Umaga't hapon sila'y nasa lansangan
Humihingi ng pagkain sa mga tindahan
Minsa'y nagtitinda pa ng mga pahayagan
Matustusan lamang, mga pangangailangan

Maruming pisngi ang mailalarawan
Sa mga kabataang napapabayaan
Paano na kaya ang kinabukasan
Kung kabataa'y di matutulungan?

Maraming salamat kabataang lansangan
Dahil sa'yo, kami ay nakakaramdam
Sa mga kahirapang inyong naranasan
Damdamin nami'y pinupukaw nang marahan.
avatar
lilstupida
Lance Corporal
Lance Corporal

Posts : 27
Credits : 70
Fame : 11
Join date : 2012-10-23
Age : 24

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum