CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


Kung Alam mo lang

Go down

Admin Post Kung Alam mo lang

Post by princeterror on Fri Nov 02, 2012 5:56 am

Nang una tayong magkita
Akoy nabighani sa iyong ganda
Gusto ko mang ibigin ka
Di ko magawa dahil seatmate kita

Ngunit ang hindi ko lang maintindihan
Kung bakit lagi mo akong tinitignan
Ako tuloy ngayon ay nalilito
Kung dapat sabihin tinitibok ng puso ko

Ilang buwan tayong tahimik sa isat isa
Di malaman kung iniisip ay pareho ba
Bumibilis ang tibok ng puso pag kaharap kita
Nauutal ang mga labi pag kausap ka

Pakiramdam ko gusto na kita
Di kumpleto araw ko pag di kita nakita
Ngunit hanggang kailan ba itatago to
Mahirap sabihin, baka mapahiya lang ako

Dumating ang araw na kailangan kong umalis
Di pa rin nasabi na ikay aking ninanais
Sa unibersidad na aking papasukin
Alaala moy aking dadalhin

Araw gabiy iniisip kita
Naghihintay na muli kang makita
Ngunit akoy labis na nalungkot
Nang malaman kong mundo moy sa iba na umiikot

Pinilit ko na limutin kita
At ang atensyon ay ibaling nalang sa iba
Ngunit tila yatang mahirap labanan
Ang tunay kong nararamdaman

Nagbabaka sakali ako na baka puwede pa,
Wala namang mawawala kung susubukin di ba?
Tinext kita na gusto kita, matagal na
Nagreply ka,"talaga lang ha?"

Nang ipagtapat ko ang lahat sayo
Masaya ako kasi tinanggap mo
Dagdag mo pa sa sinabi mo
"e ikaw kasi bakit ngayon ka lang.
Matagal na kitang gusto kung alam mo lang."
avatar
princeterror
Universal Moderator
Universal Moderator

Posts : 272
Credits : 11465
Fame : 81
Join date : 2012-06-07
Age : 26

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum