CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


First Time

Go down

Admin Post First Time

Post by d^nightmare^b on Thu Jan 17, 2013 4:09 am

Suot ang bagong biling underwear, buong puso kong nilundag ang bahay nila Jen mula sa amin. Lahat halos ng kasabay ko sa pampasaherong dyip ay nagtataka. May napapailing at may bakas sa mukha ang pagpipigil ng tawa. Paulit-ulit ang ginawa kong pagbasa sa text message nyang nagpalapad ng aking ngiti. Nagalit pa si ermats nang hindi ko nabigyang pansin ang inihanda nyang agahan.

"Mon, umalis na sina Mommy at Daddy," text nya.

Sa wakas, hindi na ko magtitiyaga sa mga pahina ng FHM. Sa maliit na screen ng aking cellphone, at sa mga tumatalon talon na DVD. Sa ika-dalawang anibersaryo namin ni Jen, sa wakas, napagbigyan na din ang aking hiling na tapusin na namin ang aming pagiging virgin. Matatapos na ang aking pagiging curious sa larangan ng sex.

Nagbabalak na sana akong mag-shift ng gerlpren kung aabot pa kami ng isang araw matapos ang second anniversary. Mabuti nalang ang nagets nya kaagad ang pahiwatig ko matapos kong himas-himasin ang bibilugin nyang hita noong nakaraang linggo sa park. Alam na siguro ang takbo ng isip ko. Pag-iisipan pa ang tipid nyang sagot, kahit halos nawawala na ang itim sa kanyang mga mata sa tuwing kinikiliti ko sya sa batok.

"Pasok ka," bungad nya. Dinampot ko muna ang nalaglag kong mga mata matapos makitang manipis na daster lamang ang kanyang suot. "Juice? Kape? Coke?"

"Coffee, diet"

"Loko!"

Hahakbang na sana ako papasok nang magtext si ermats. Nilaro nya ang kanyang nguso, palatandaang hindi ito ang oras para magbasa ng mensahe. Binulsa ko na bago pa magbago ang isip nya. Sininghot singhot ko muna ang bango ng kanilang sala hanggang umabot kami sa kwarto nya. Walang ingat kong ibinagsak ang pinto para malaman nyang hindi sapat ang salitang sabik sa mga sandaling 'to.

"Sigurado ka bang mamaya pa ang balik nila?" tanong ko.

"Bukas pa, hindi mamaya"

"Ayos!"

Nagsisimula na kong tanggalin ang tshirt ko nang itulak nya ko sa kama. Abot langit ang ngiti ko ng maalala ko ang ganitong eksena sa pelikula ni Osang. Hindi ako kumilos. Hinayaan kong sya ang gumawa ng hakbang, kung iyon talaga ang plano nya. Dahan dahan syang gumapang mula sa paanan ko hanggang sa aking dibdib. Dahan-dahan naman ding sumisikip ang suot kong lonta.

"Ready?" mapang-akit nyang tanong. Hindi ako kumibo, dahil sa itsura ko palang na mukhang pinagsama ang constipation at diarrhea ay malalaman na agad ang sagot.

Hinila nya sa ilalim ng unan ang isang panyo. Kulay pula. Magtatanong pa sana ako kung para saan, subalit huli na nang itinakip nya iyon sa aking mga mata. Lalo pang sumikip ang aking lonta. Sunod nyang itinali ang aking mga kamay sa magkabilang dulo ng kama. Biglang nawala sa isip ko ang eksena ni Osang. PNP ang pumalit.

"Ahh, Jen wala akong makita,"

Hinalikan nya ko. Matagal. Halos maubusan ako ng hininga. Sunod nyang pinalakad ang kanyang labi sa aking leeg. Nagdulot ng kuryenteng hindi nakakamatay. Nakarating sa aking dibdib. Sa one pack na tiyan. Bumilis ang daloy ng aking dugo. Dinig ko ang kalabog ng aking puso. Napipiktyur ko na ang itsura ng langit ng maramdaman kong tinanggal nya na ang aking sinturon. Nakakakiliti kapag dumadampi ang kanyang mga kuko sa aking balat. Ilang saglit pa, alam kong wala na kong suot na pang-ibaba. Alam ko ding nasa north na ang direction ni junior. Muntik ng maabot ng mga daliri ko sa paa ang aking talampakan ng hawakan nya ang parteng yun. Napakagat labi pa ko. Malapit na 'to sa katotohanan, di tulad ng december 21.

"Jen!" isang malakas na sigaw na sinundan ng sunod-sunod na katok sa pinto. "jen, nariyan ka ba?!"

"Sino yun?!" tanong ko.

"Hindi ko alam!" batid kong natataranta sya kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha.

"Baka parents mo?" naramdaman ko na lamang ang pagtakip ng kumot sa aking katawan. Kasunod ang mga yabag ng paa. "Jen? Jen?"

Naisip ko ang kalagayan ko kung maabutan ako sa ganitong sitwasyon. Ex-marine ang erpats nya. Siguradong sa sementadong drum ako matatagpuan nito kinabukasan. Pinilit kong kalasin ang tali sa aking mga kamay. Mahigpit. Nag face dance para matanggal ang nakapiring sa aking mga mata. Walang tiyansa. Hindi ako sirkero para magamit ang aking mga paa. Buset!

Maya-maya pa'y nakarinig na ko ng sigawan ng mga tao. Nagkakagulo. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. May takbuhan pa ng mga kalalakihan. Anong nangyayari?

"Sunog! Sunog! Dali kayo! Sunog!!"

"******ina! Virgin pa ko!"
avatar
d^nightmare^b
Code Casters
Code Casters

Posts : 20
Credits : 46
Fame : 10
Join date : 2012-11-03
Age : 28

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum