CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


REDHORSE

Go down

Admin Post REDHORSE

Post by _trish_ on Fri Mar 15, 2013 6:27 pm

Alak ang laging kailangan
Pag may problema ang
kaibigan
Uumpisahan ng inuman..
Bago ang seryosong
kwentuhan

Habang may nagkukwento
Umiikot ang tagayang baso
Inumin muna ang shot mo
Bago magbigay ng payo..

Alak pa rin ang kailangan..
Pag mayrong kasiyahan
Maingay at masayang
inuman..
Sinasamahan pa ng
sayawan..

Tumitibay ang barkadahan..
Pag laging may inuman.
Dumadami ang kaibigan
Ng di mo namamalayan..

Alak ang laging sentro
Di alintana ang presyo

Ano bang meron sayo?..
Ika’y laging hanap ng mga kaibigan kong lasenggo.

Puro sakit naman ng ulo..
Ang lagi mong epekto..
Kadalasa’y may kasamang
hilo..
Pinakamalala ang isang
gulo..

Pag merong selebrasyon
O kahit anong okasyon..
Alak ang nangunguna..
At laging bidang bida..

Lasa ng alak ba talaga ang
hanap?..
O gusto lang ng
makakausap?..
Alak ba ang nagpapasaya?..
O kaibigan mong laging dinadamayan ka?..

Alak ba talaga ang namimiss
mo?..
O masayang kwentuhan ng
barkada nyo?..
Alak ba ang hingahan ng
problemado?.. O kainuman nyang lagi syang
dinarayo?..

Alak ang sentro ng tulang ito.
Sana’y naibigan ninyo lalo na ng mga kaibigan kung dahilan kung bakit nasipi ang walang kwentang tulang to..

Oh sya, sige!! Tama na paliwanag.

Tara na at ikampay nyo.. Nag iintay na ang baso. Mag-inuman na tayo!!
avatar
_trish_
Code Casters
Code Casters

Posts : 42
Credits : 584
Fame : 5
Join date : 2012-11-04
Age : 27

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum