CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


Ngayon alam ko na

Go down

Admin Post Ngayon alam ko na

Post by _trish_ on Fri Mar 15, 2013 6:30 pm

Habang hinahalo ang kakatimpla lamang na kape ay napag isip-isip ko na marami na pala akong naibahagi mula sa aking hiram na buhay ,malayo na rin ako sa dating ako na di ko matanto kung tarantado o wala lang pakialam sa mundo.

Hindi ko na alintana ang bawat pawis na nuo'y halos maubos ang baon ko pambili lamang ng tissue. Mula sa pagkakadapa ay marunong na akong bumangon buhat ng dalawang tuhod na may gasgas at pasa at kasama ng dalawa kong paa, marami na rin pala akong kaibigan, mga dating kababayan at dating kalaruan sa kalsada na walang pang alam sa mundong kanilang ginagalawan.

Marami na rin pala akong naubos na pera sa kaka-dota, at marami na ring tumangi kapag tinanong ko na ang "tayo na ba?". Hindi ako ganito dati, walang pakealam at walang patutunguhan, pati walang kamuwang-muwang na pulubi na aking madaanan ay aking pinagtritripan.

Sabi ng iba wala daw permanente sa mundo. Sabi ko naman, merong nag iisang permanente dito, at ang tawag dun ay pagbabago.

People change, wind also change direction, pero sa pagkakatanaw ko ay ako lamang ang nagbago at hindi ang aking direksyon at pagkatao.

Mauubos na ang kape na kanina ko pa pinagmamasdan, ngunit meron paring isang katanungan ang naglalaro sa aking isipan at naghahanap ng isang malinaw na kasagutan.
"bakit nga ba may kulay ang kape?". Dahil siguro, hindi mo ito matatawag na 3in1 kung nag iisa lamang ang kanyang kasangkapan.
Ngayon alam ko na.

Alam ko na kung bakit parang feeling ko ay kumpleto ako sa mga araw na nagdaan.

Simple lang.


Yan ay dahil sa tinatawag na KAIBIGAN.
avatar
_trish_
Code Casters
Code Casters

Posts : 42
Credits : 584
Fame : 5
Join date : 2012-11-04
Age : 27

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum