Monologue
CyberCodes :: COMMUNITY :: Pinoy Lifestyle :: Writer's Desk
Page 1 of 1
Monologue
Naisulat naman natin ang ating
huling pahina, hindi ba?
Hindi ba't inilatag na natin sa walang
kamalay-malay na papel na iyon ang
ating huling salita?
Nasaan na ang aklat na ating isinabuhay?
Nasaan na ang aklat, nais ko itong
mabasang muli!
Nais kong isaalaala nang makailang
ulit pa ang ating pagsasama.
Nasaan na ito, sabihin mo! Nais ko itong makita, mahagkan,
halik-halikan bawat titik na ating
isinahugis gamit ang iyong pluma.
Oo!
Ang iyong plumang itinusok mo pa
sa iyong braso para magkaro'n ng tinta, tinta na siyang sagisag ng
iyong buhay, ng iyong pagkatao.
Hindi ba't naisunog ko na rin ang
plumang iyon?
Bakit ay buong buo ko pa itong
naaalala, nakikita sa aking isipan? Diyos ko, hindi ako makapaniwala!
Hawak mo sa iyong mga kamay ang
plumang aking itinutukoy, at sa dulo
nito'y umaagos pa rin ang iyong
dugo.
Naririto ka ngayon sa harap ko! Hindi ba't patay ka na?
Sigurado ako do'n!
Matapos nating ipahid ang huling
tinta ay itinulak kita papalayo sa akin
at inihagos patusok sa iyo ang iyong
pluma! Kitang-kita ko iyon, malinaw pa sa
aking alaala, na dumiin ito sa gitna
ng iyong leeg na siya namang
naglabas ng marami pang dugo,
maraming marami!
Patay ka na! Huwag mo na akong takutin pa!
Lubayan mo na ako kung maaari,
ayaw ko nang magambala pa ng
iyong presensiya, kahit ika'y patay
na!
Apoy? Bakit ka nagpapasimula ng apoy?
Anong gagawin mo?
Teka, 'wag mong sabihing...
'Yan ang ating aklat!
Akin na, dali!
Ibigay mo sa akin ang aklat na iyan ngayon din upang mapawi ang
aking pag-iisa!
Isinasamo ko, hayaan mo akong
maalalang muli ang ating pag-iisa!
Nagmamakaawa ako, kung hindi mo
man ipapaubaya sa akin ang librong iyan ay itapon mo na sa ginawa
mong malaking apoy at ako'y
magpapadala dito, kasama ng aking
nag-aalab na damdamin! (Maitatapon ang aklat sa apoy at ang
nagsasalita'y agad namang tumakbo
patungo rito, at siya nang tuluyang
nasunog.)

princeterror- Universal Moderator
- Posts : 272
Credits : 11465
Fame : 81
Join date : 2012-06-07
Age : 33
CyberCodes :: COMMUNITY :: Pinoy Lifestyle :: Writer's Desk
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum