ang unang pagtatapos
CyberCodes :: COMMUNITY :: Pinoy Lifestyle :: Writer's Desk
Page 1 of 1
ang unang pagtatapos
Hindi kita matingnan sa mata.
Sa bawat pagtawag mo sa aking
pangalan,
Kahit kaharap lamang kita,
Kahit magkadikit lang ang dibdib
nating dalawa, Hindi kita kayang titigan. Niyakap mo na lang ako.
Hindi bale nang hindi ako
makasagot,
Hindi bale nang hindi ako
makatingin,
Basta ba't nakatayo lamang tayo rito, At hinagkan mo ako. Rumagasa ang iyong mga luha.
Sa mainit mong yakap sa akin
Ay siyang mainit ring pumatak,
Unti-unti at padaloy-daloy,
Umiyak ka. "Carlo." Sambit mo. Naramdaman ko ang lamig ng iyong
mga kamay
Kasabay ng lamig na nangingibabaw
sa aking puso.
Nakatulala ako sa malayo
Habang ika'y titig na titig sa akin. Hindi kita matingnan sa mata.

princeterror- Universal Moderator
- Posts : 272
Credits : 11465
Fame : 81
Join date : 2012-06-07
Age : 33
CyberCodes :: COMMUNITY :: Pinoy Lifestyle :: Writer's Desk
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum