CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


Haplos

Go down

Admin Post Haplos

Post by princeterror on Fri Nov 02, 2012 5:46 am

Hinaplos niya ako.
Hinaplos niya ako matapos niya
akong titigan ng matagal sa mata.
Hinaplos niya ako sa pisngi. Naramdaman ko ang kanyang mga
daliring humahagod sa aking
katawan, sa aking pagkatao.
Dumaan ito sa aking dibdib, naglaro
sa ibabaw ng aking gutom pang
tiyan. Hindi ko maintindihan kung bakit.
Hindi ko maintindihan hanggang
ngayon. Hinaplos niya ako.
Nilasap ng kamay ang bawat parte,
bawat sulok.
Hindi ako makapagpumiglas. Dahil ayaw ko. Nakakaligaya, nakakatuwa.
Ngunit nakakabigla.
Hindi ko iyon inaasahan. Hinaplos niya ako.
Hinaplos niya ako buong
magdamag.
Hindi ko mapigil ang aking sarili.
Hinaplos ko siya.
Inabot ko ang kanyang mukha at tinikman ang kanyang mga labi.
Nilaro ko ang kanyang buhok,
nilanghap ang kanyang samyo. Masama.
Oo, masama. Ano naman ngayon?
Sino pa ba ang makikialam?
Sa lalim ng gabing iyon, wala nang
tututol pa.
Wala nang pipigil pa sa paglakbay ng
aming mga daliri sa katawan naming dalawa. Ngunit iyon lang iyon.
Isang sandali.
Isang pangyayari.
Isang memoryang hindi na naulit pa.
avatar
princeterror
Universal Moderator
Universal Moderator

Posts : 272
Credits : 11465
Fame : 81
Join date : 2012-06-07
Age : 27

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum