CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


Maniwala ka kaya?

Go down

Admin Post Maniwala ka kaya?

Post by lilstupida on Fri Nov 02, 2012 5:51 am

Mga nakaw na tingin
Sulyap na di napapansin
Mga ngiting may ibig sabihin
Pagtinging inililihim

Mga mensaheng paulit-ulit binabasa
Ngiti sa labing di mawala-wala
Sinasariwa sa aking gunita
Tawa mong sa pandinig parang musika

Hindi mo ba nahahalata
Kakaibang kislap sa aking mga mata
Kasiyahang bakas sa aking mukha
Kapag ikaw ang aking kasama?

Hindi ko na ata kaya pang itago
Pagibig na pilit inililihim sayo
Natatakot lamang na layuan mo
O di kaya'y isiping ako'y nagbibiro

Kapag ipinagtapat ko ba ang totoo sinta
Maipapangako bang hindi ka matatawa?
Kapag sinabi ko bang mahal kita
Maniniwala ka ba?
avatar
lilstupida
Lance Corporal
Lance Corporal

Posts : 27
Credits : 70
Fame : 11
Join date : 2012-10-23
Age : 24

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum