CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


El Kyu [ Lovers' Quarrel ]

Go down

Admin Post El Kyu [ Lovers' Quarrel ]

Post by lilstupida on Fri Nov 02, 2012 5:52 am

LALAKE:
Ayan ka na naman di kumikibo, tulala
Mahal ko, ano na naman ba ang aking nagawa?
Sabihin sa akin kung ano ang pagkakamali
Problema'y pagusapan na, wag na hayaang lumaki

Hindi ko maintindihan bakit lagi kang ganyan
Minsan lang magkita'y di pa nagpapansinan
Wag ka namang ganyan, ako'y nahihirapan na
Aminin mo nga, sa akin ba'y sawa ka na?

BABAE:
Mahal kita pero ako'y napapagod na
Ako'y naguguluhan sa aking nadarama
Pagod na ako sa pagintindi sa iyo
Kapag kailangan kita'y wala ka sa tabi ko

Pera, regalo, hindi iyan ang kailangan ko
Ikaw! Ang presensiya mo ang hinahanap ng aking puso
Hindi mo alam kung gaano ako kasabik
Na ika'y makasama, matikman iyong mga halik

LALAKE:
Aking sinta ako'y iyong patawarin
Pakiusap ko sana kalagayan ko'y intindihin
Malayo man ako'y sa isipan ko di ka nawala
Walang ibang hangad ang puso kundi makasama ka

BABAE:
Patawarin mo din ako kung ako'y nagkakaganito
Naiintindihan naman kita, alam ko ang sitwasyon mo
Ang hiling ko lamang ay konting oras mo
Sorry na ha, bati na tayo?

LALAKE:
Masaya ako't mga ngiti mo'y muling masilayan
Wala akong ibang nais kundi iyong kaligayahan
Patawad sinta, ako'y babawi sa mga pagkukulang
Pangako sayo, umulo ang luha mo'y di ko na hahayaan

BABAE:
Mga pangako mo'y aking panghahawakan
Maghihintay ako kahit gaano katagal pa yan
Maligaya ako't natapos na din ang tampuhan
Matanong ko lang, dito ka ba maghahapunan?

LALAKE:
Gustuhin ko mang makasama ka ng matagal hindi maari
Kailangan ko na umuwi, sa ibang araw na ako babawi
Anibersaryo namin ngayon, di pwedeng ako'y mawala
Baka makahalata na mga anak at aking asawa
avatar
lilstupida
Lance Corporal
Lance Corporal

Posts : 27
Credits : 70
Fame : 11
Join date : 2012-10-23
Age : 24

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum