CyberCodes

Reminders sa mga rehistradong myembro:

•ang lengwahe na gagamitin ay pawang english at tagalog lamang

•Bawal po dito ang pakikipag away

•Bawal ang mga shorcut na mga words
Example: txt, Pwd, at iba pa

•Bawal mababastos at masasakit na salita o anu mang makakasakit
ng damdamin ng isang myembro ng forum na ito

•use the "like" button if the post of the following user you think are usefull


Maling pagmamahal

Go down

Admin Post Maling pagmamahal

Post by mitha on Fri Nov 02, 2012 5:59 am

Noong una’y wala kundi paghanga,

taglay na talino sadyang namangha.

Walang maramdaman na anuman,

pagkat alam kong ‘di kailangan.



Namalas ko sa’yo taglay na kabaitan,

ramdam ko ang iyong kaibuturan.

Lahat sayo’y pawang kagandahan,

by Edrian Ibardaloza

walang puwang anumang kapintasan.



Sa paglipas ng panahon may biglang sumibol,

pitak sa aking puso’y pilit tumatambol.

Aking minalas agad na inalalayan.

ito ba ay normal sa aki’y masilayan?



Sumiksik sa aking isipan yaong katanungan,

Pilit inapuhap tamang kasagutan.

saan ko masusumpungan itong nararamdaman,

gayong alam kong mali sa simula pa lamang.



Pinilit kong ikubli ang aking pakiramdam,

subalit pag kaharap ka’y tila ba may alam.

Na kung anong bagay naglalaro sa isipan,

Hindi kaya ito’y pakiramdam ko lamang?



Huli ang panahon nang ako’y isilang,

alam kung mali na ikaw’y matagpuan.

Heto ngayon ikaw na ang kailangan,

mahirap pagkat may iba kang kanlungan.



Umasa ako at nagbulagbulagan,

tinangap ko anuman ang kasapitan.

Subalit bakit ganito aking nararamdaman?

Sa aking puso labis akong nasasaktan!



Pilit kong tinangap aking kalagayan.

pagkat ang makapiling ka’y kaligayahan.

Winaksi sa isipan yaong kamalian,

bagkos tinatama kahit kabuktutan.



Sana’y maunawaan ako’y umibig lamang,

mali man, dapat kong panindigan.

Pagkat alam kong meron kang pananagutan,

at ito ang masakit, na katotohanan.
avatar
mitha
Gallery Moderator
Gallery Moderator

Posts : 42
Credits : 1113
Fame : 17
Join date : 2012-06-23
Age : 23

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum