Ang Bakasyunista, Pagsapit ng Dapit-hapon
CyberCodes :: COMMUNITY :: Pinoy Lifestyle :: Writer's Desk
Page 1 of 1

"Tara, tara, sumama ka sa akin at hawakan ang aking kamay. Tayo ay maglalakbay, patungo sa lugar kung saan tayo lang ang may alam."
-Ron Henley
.
.
.
.
.
Nanunuyo ang aking lalamunan habang nakikisabay sa pagkabog ng dibdib ko ang pagkahulagpos ng pawis sa aking katawan. Bagaman pinagsisiksikan ang mata sa maliit na butas sa pinto, nagkasya at kuntento na ako sa mga nasasaksihan. Makita ko lang ang senaryo sa kabilang banyo, ayos na kahit nakabaluktot pa ang pusisyon. Mahapdi parin ang kaliwang mata ko, dulot sa paghagod ng butil ng pawis na may halong kemikal buhat sa gel sa buhok. Pero kailangang ibuka ng maayos ang mga paningin. Napaka-espesyal ng tagpong 'to. Walang sandaling dapat pakawalan. Bawal kumurap ni isang segundo man lang. Sagrado ang sandaling 'to, napakadalang na pagkakataon.
Lumagaslas ang tubig sa sahig. Pagkatapos, kumawala ang samyo ng sabon, humalo sa maalinsangan na hangin. Lalong nanuyo ang lalamunan ko dahil sa imahe niya na humahalik sa aking mata. Maka-ilang ulit ang paglunok ko. Nagwala ng sobra ang puso ko. Nag-init ng husto ang aking tenga. Nakakasabik pagmasdan ang bula ng sabon sa kaniyang katawan, na unti-unting dinidiligan ng tubig. Dumausdos papasok sa suot kong brief ang isa kong kamay. Nang handa ko nang simulan ang makamundong ritwal, ay siya namang biglang pagkalislis ng aking tsinelas sa drum na tinutuntungan ko! Dahilan para madulas at lumagapak ako sa sahig!
Dali-dali kong minulat ang mga mata ko at agarang tumindig, subalit kasabay sa pagkurba ng aking katawan, ang pagka-iba ng senaryo sa paligid. Nawala ang pintong may butas. Nawala ang mga bula sa banyo. Mabagal kong inakyat ang kama at humilata dito ng ilang segundo. Pagkatapos, buntong-hininga ang kumawala sa naagrabyado kong puso. "panaginip na naman." bulalas ko, sabay lapat ng tingin sa ibabaw ng manipis kong short. "wet dreams?"
Linggo ng umaga, ikatlong buwan ng bakasyon ko sa Isabela, kung saan ang probinsiya namin. Habang inihiwalay ko ang mga sitaw sa pakbet, na siyang ina-almusal ko, ay hindi ko maisantabi sa isip ko si Niña. Sa kabila ng tatlong buwan kong paglalagi sa malabunduking barangay, hindi ko man lang maramdaman ang dampi ng bakasyon. Kasalungat noong bata pa ako. Na halos hilayin ko na ang taon at mga buwan, sumapit lang ang tag-araw. Ngayon, tila nag-iba na ang aking hilig sa bakasyon. Siguro sadya talagang napapalitan ang gusto ng isang tao sa oras na madagdagan ang edad nito. Pero sa kabila ng pagpro-protesta ko sa pagpilit ng mga magulang ko na lumuwas dito, si Niña lang ang tanging nagpapakalma sa akin sa tuwing naiisip kong hindi patas ang bakasyong 'to.
***
Una ko siyang nakilala sa gitna ng masukal na gubat. Tanghali noon. Namundok kami para mangaso. Kaliwa't-kanan ang putok ng baril sa loob ng mayabong na gubat. Nawili ako ng husto sa pagtugis sa mga mahihilap na hayop. Partikular sa isang usang may mahahabang sungay. Sinundan ko ito at hinabol. Sumulong sa mas masukal na parte. Nagpagulong-gulong sa mga malalaking tuyong dahon sa sahig. Tumakbo ito ng walang tigil at sumuksok pa lalo sa pinakalib-lib na parte ng gubat, subalit nanatili akong nakabuntot sa kanya. Tumigil siya sa madamong lugar. Nagtago naman ako sa isang puno na may matatabang ugat, ilang dipa ang layo mula sa puwesto niya. Dumuko ako at inasinta ang tangan kong riple sa bandang tuktok niya. Pero bago ko pa kalabitin ang gatilyo, tuluyan naman siyang nabulabog sa putok na umalingaw-ngaw sa 'di kalayuan. Dahilan para mag-umpisa ulit itong tumulak papalayo.
Dala ng pagkahapo at pagkadismayado, napagdesisyunan ko na hayaan na lamang makawala sa akin ang madulas na hayop. Ngunit ng maisipan ko nang bumalik sa grupo namin, ay doon ko lang nalaman na malayo na pala ang distansiya ko sa kanila. Ang masaklap, hindi ko na alam ang daan pauwi.
Sa tantiya ko, halos tatlong oras kong hinahanap ang daan pabalik sa bahay namin. Pursigido kong hinagilap ang mga bakas na magsisilbing gabay ko palabas sa masukal na gubat, ngunit bigo akong makakita ng isa man lang sa mga markang nililok namin sa mga puno, para magsilbing palatandaan. Sumasabay pa ang matinding pagdilim sa gubat. Walang duda, nawawala na ako. Handa ko na sanang ipagpabukas ang pagtalunton sa mga marka, at palipasin ang gabi, pero sa gitna ng aking pagkangamba, napansin ko ang pigura ng isang babae. Salong ang kulay tsokolateng basket, at namimitas ng prutas sa may gawing sulok ng punong makopa. Sa aking pagkasabik, dali-dali ko siyang nilapitan.
Tinawag ko ang pansin niya, at ganon nalamang kung lumuha ng sobra ang mga mata ko, dahil sa taglay niyang kagandahan! Isa lang ang ekspresyong mailalarawan ko sa kaniya. Kahalintulad siya ng mga anghel na iniluwa ng langit dahil sa tindi ng kaning-ningan nito!
Niña ang ipina-alam niyang ngalan sa akin. Tila nabitin naman ako sa bansag niya at ninais kong alamin ang kaniyang pilido, pero sadyang nauutal ako sa tuwing ngumingiti siya. Hindi nagtagal, sa tulong niya, nahanap ko ang daan pauwi sa amin. Nagkahiwalay kami ng landas noong gabing iyon, pero nagkasundo kami na magkita muli kinabukasan.
Kina-umagahan, nagkita kami ulit sa lugar kung saan ko siya unang nakita. Namimitas muli siya ng prutas. Labing-siyam pala ang edad niya. Lamang ako ng dalawang taon sa kaniya. Sa kabilang bayan siya nakatira. Sampu silang magkakapatid at pang-siyam ang rangko niya sa kanila. Highschool lang daw ang natapos niya at nagtinda nalamang ng minatamis na prutas sa palengke imbis na tumuntong sa kolehiyo. Ayaw naman niyang lumuwas ng maynila para makipagsapalaran, sa kadahilanang hindi niya maiwan ang kaniyang pamilya. Hindi nagtagal, dumako kami sa paksang pinakahihintay ko. Wala pa daw siyang nobyo. At hindi pa niya naranasan magkaroon ng isa. Pumalakpak ang tenga ko. Anong tamis ng ngiti ko. Nakingisi tuloy ako hanggang sa magkahiwalay kami noong araw na iyon.
Simula noon, hindi puwedeng lumubog ang araw nang hindi kami nagkikita. Naging pugad ng kasiyahan namin ang masukal na gubat. Tinutulungan ko siyang mamitas ng prutas, habang maghapon kaming nagtatawanan at nagkukulitan. Minsan, namamasyal kami patungo sa kung saan kami lang ang may alam. Mula noong araw na nakilala ko siya, tila minu-minuto ko siyang pinanabikang makita. Maka-ilang ulit kong tinangkang pumuslit ng bahay tuwing gabi para lamang matanglawan ko ang ngiti niya. Ilang gabi na akong puyat at hindi mapalagay sa kakaguhit ng mukha niya sa kisame ng kuwarto ko. Pero kailangan matulog, ayaw kong makaligtaan ang pagkakataong makita siya muli. Dahil pati sa panaginip ay laman siya ng aking mundo. Ninanais ko lagi na mag-umaga na kaagad para makita ko na siya. Tila isa siyang uri ng sakit na dahan-dahang kumakalat sa aking katawan.
***
"Ma, alis muna ako." paalam ko, pagka-ubos sa agahan.
"o saan ka pupunta? May prosisyon mamayang hapon. Kailangan tayo ni Mayor dun Topher." pukol nitong tanong pagkaluwa sa akin ng pinto.
"cancel mo nalang muna, Ma. May importanteng lakad ako."
Nadatnan ko si Niña sa gawi nitong puwesto. Kalong muli ang kulay tsokolateng basket. At namimitas ulit ng ititindang prutas sa palengke. Nilapitan ko siya, piniringan ang mga mata gamit ang palad ko, gaya ng lagi kong ginagawa sa kaniya. Subalit hindi siya umimik. Hindi katulad dati, na agad siyang gaganti ng yakap. Iba ang timbre ng aura niya ngayon. Tahimik at walang kibo.
"anong problema?" bati ko sa kaniya.
"hindi na tayo puwede magkita, Toph." pahikbing bungad niya, na ang tingin ay nakadikit sa lupa.
"huh?" ang tanging naisagot ko. Nahulog pa ang puso ko sa kung saan.
"pinagbabawalan na ako ng mga magulang ko. Hindi daw tayo bagay sa isa't-isa."
"anong sinasabi mo Niña? Masaya naman tayo diba?"
Hindi siya sumagot. Patuloy lang sa paghikbi.
"dahil ba sa malapit na kaming bumalik ng maynila? Napag-usapan na natin 'to diba? Mananatili ako sa lugar na'to. Magpapa-iwan ako. At magpapakasal tayo!"
"pinagbabawalan na kasi ako ni Inay, hindi daw tayo puwede sa isa't-isa."
"bakit hindi? Dahil ba sa mahirap lang kayo at mayaman ako?"
Hikbi ang muli niyang sinagot sa akin.
"mahal na mahal kita Niña."
"at alam mo kung gaano din kita kamahal Toph. Iyon nga lang, sadyang hindi talaga tayo bagay sa isa't-isa." nagsimula siyang tumalikod at humakbang papalayo.
Hinawakan ko ang kaniyang braso upang pigilan siya. "please, Niña, don't do this to me. Please."
"salamat sa iyo Toph. Kahit saglit lang tayo nagkakilala, pinasaya mo naman ako ng lubos sa sandaling panahon na iyon."
Humarap siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Biglang lumukob ang puso ko. Damang-dama ko ang lungkot na namumutawi sa mga tingin niya. Gusto kong magsalita, pero ni hangin ay walang kumakawala sa aking bibig. Nabuhol ang dila ko. Nanatili kaming magkatitigan. Matagal. Tila huminto pa ang lahat ng gumagalaw sa paligid. Huminto ang hangin na umihihip sa mga tuyong dahon sa lupa. Huminto sa pag-uni ang mga insekto. Huminto sa pagsayaw ang mga puno. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako ng mga mata niya.
"paalam, Toph." dinampian niya ako ng halik sa labi. Ang sarap. Walang salitang makakapagpaliwanag.
Sa kabila ng pagnamnam ko sa ligayang dinulot ng halik niya, ay siyang tuluyang paglayo niya sa akin. Nanatili akong nakatitig sa kaniyang likuran. Gusto ko siyang awatin at pigilan. Pero para saan pa? Ginagalang ko ang bawat desisyon niya. Handa kong ibigay ang kasiyahan niya, kahit na kapalit ay kasawian.
Nanghina ang mga tuhod ko. Napasandal ako sa kung saan. Wala na akong makita. Dahil sa mga luhang dire-diretsong humahagos at nagpapalabo sa aking paningin. Gusto kong sumigaw pero puro ungol lang ang nilalabas ng bibig ko. Sumabog ng husto sa kalungkutan ang aking dibdib. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng panlulumo. Para bang milyong karayom ang salitang tumutusok sa aking puso. Natutunaw at tila pinupunit paisa-isa ang malilit nitong ugat. Ang sakit. Kasabay sa pagtingala ko sa langit, ay ang siyang pagdilim ng paligid.
"ai! salamat sa diyos at nagising kana rin sa wakas!" bulalas ni Mama pagkamulat ko sa mga mata ko. Bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagkabahala. "kamusta ang pakiramdam mo anak?!"
Sinapo ko ang aking noo, nilabanan ang matinding pagkirot nito. Ramdam ko ang pananakit ng katawan ko at ang init ng aking pakiramdam. "ano nangyari Ma?"
"natagpuan ka namin sa pinaka liblib na parte ng ng gubat! Walang malay at inaapoy sa lagnat!"
Bigla kong naalala ang pakikipaghiwalay sa akin ni Niña kahapon.
"tatlong linggo ka nang nasa coma at patuloy ang pagtaas ng temperatura mo!"
Bumaluktot ang kilay ko. "tatlong linggo?"
"Oo. Alalang-alala kami ng Papa mo. Hindi namin alam kung anong sakit ang tumama sa'yo. Walang makitang diperensiya sayo ang mga duktor. Normal naman daw ang lahat ng vital signs mo. Pero hindi nila maipaliwanag ang matinding init ng katawan mo. Ang sabi naman ng albularyong kinunsulta namin, napaglaruan ka raw ng engkantong nakatira diyan sa may gubat!"
Lumuwa ang mga mata ko. Maliban sa larawan ni Niña, blangko at walang pumapasok na ideya sa isip ko.
"aalis na tayo sa oras na kaya mo ng magbiyahe." dugtong ni Mama. "sabi ng albularyo, mainam na lisanin na natin ang lugar na'to. Kahit na tinigilan kana raw nung engkanto, may posibilidad na balikan ka ulit nito at paglaruan."
Dahan-dahan akong bumangon. Napako ang tingin ko sa kulay tsokolateng basket na nilalamanan ng mga iba't-ibang klase ng prutas.
"ah! Oo nga pala, bigay yan ng isa sa mga dumalaw sayo nung isang araw. Kasama niya sina Gilbert at mga iba mo pang kababata. Although ngayon ko lang nakita ang mukha ng babaeng iyon." hinalikan niya ako sa noo. "masaya ako at okay kana anak. Iwan na muna kita ah? Ibabalita ko sa Papa mo na gising kana, at para makapagpahinga ka ng maayos."
Hinintay kong makalabas ng kuwarto si Mama, bago hinablot ang kulay tsokolateng basket. Kabog-dibdib ko pang binuklat ang papel na naka-ipit sa pagitan ng bayabas at chesa.
"Toph,
Masaya ako at nakilala kita. Maniwala ka, sinubukan kong panatiliin ka sa tabi ko. Pero hindi ko kaya. Dahil iniibig kita ng tunay.

_trish_- Code Casters
- Posts : 42
Credits : 584
Fame : 5
Join date : 2012-11-04
Age : 33
CyberCodes :: COMMUNITY :: Pinoy Lifestyle :: Writer's Desk
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum